Translate

Rich and Poor





Sa pananaw at pagkakaalam ko ang bansang pilipinas ay isa sa pinaka mayamang bansa sa natural resources sa buong South East Asia, Pero ang ating bansang pinaka mamahal na pilipinas ay mayroon pa ding hindi naniniwala dahil sa nararanasan ngayon ng iba nating kababayan ang kahirapan. Kung mayaman daw ang pilipinas bakit tayo ang may pinaka mataas na buwis, mahal sa singil ng kuryente, worst sa traffic, airport at maraming krimen na nagyayari bakit nga ba? wala ba tayong disiplina? o lack of LOVE?





Isa ang kahirapan kung bakit ang karamihan nating kababayan ay tinitiis nila magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki ng kaunti kesa manatili sa pilipinas tinitiis nila ang mawalay sa kanilang pamilya para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mahal sa buhay na nasa pinas. Pero ang karamihan sa ating mga kababayan ay bigo pa rin na maasam ang magandang buhay sa ibang bansa dahil na rin sa kanilang pamilya na nangangailangan ng pera sa pilipinas siguro nga ang iba nakakaipon ng pera ang iba naman ay nakakaipon ng resibo lang. Para sa akin dalawang klaseng estado ng buhay ang mayroon sa ating bansang pinakamamahal na pilipinas una .  Mahirap o Mayaman   
 Saan kaba dyan? Kung pinanganak ka ng mahirap hindi mo kasalanan ito pero kung mawala ka sa mundo ng mahirap malaking kasalanan muna ito. Binigyan tayo ng Dyos ng kakayahan, karunungan at talento upang umunlad ang ating buhay sa tamang pamamaraan.



 Ang buhay ng mahirap kapag nagkapera ibinibili ng kanilang kakailanganin tulad ng pagkain makaraos lang sila sa pang araw-araw na buhay bahala na bukas kung anong maibibigay sa kanilang biyaya ng Dyos. 


Ang buhay maykaya naman  o middle class sa ating ibang mga kababayan ang binibili nila bahay, lupa, kotse, mga bagong gadget o anu paman minsan nangungutang pa ito makabili lang ng uso ang iba aasa sa work natin pero pagdating ng panahon kapag hindi na natin kayang magwork dahil hindi na kaya ng katawan natin wala tayong savings o investment magsisisi tayo sa bandang huli.


Pero ang mayayaman ang binibili nila ang tinatawag na Asset ang Asset ang nagbibigay sa kanila ng kita katulad na lamang ng pag iinvest nila sa Philippine Stock Market maiituturing ito na isang asset dahil nagbibigay ito ng kita sa kanila. Ang kotse ba masasabi nating asset? kapag nangailangan ito ng gasolina at masira gagastusan mo sya ang masaklap pa dito kung inutang mo pa ito sa banko.


 Kaya hindi mo ito matatawag na asset dahil naglalabas ka ng pera dito ang tawag dito ay Liabilities. Ang gadget ba ay matatawag mong asset? binili mo ng brand new makalipas ang ilang taon pwede mo paba ito maibenta ng kagaya ng presyo na una mong nabili? kapag nasira ang gadget mo pwede mo paba itong ibenta syempre maglalabas ka ng pera para maipaayos ito kaya hindi mo ito matatawag na asset.   



 Ang Asset ang siyang nagbibigay sayo ng kita o income, Ganito ang sikreto ng mayayaman ang binibili nila ay Asset hindi Liabilities kaya tayo ang bilhin natin ay Asset at simulan na natin ito bilhin habang may kakayanan tayo habang hindi pa huli ang lahat. Gawin mo lang itong mga sinulat ko dito sigurado pagdating ng panahon masunod mo ang pormula na ito sigurado isa ka din sa mga yayaman. 


 .At ituro din natin sana ito sa mga anak natin para paglaki nila may kaalaman na sila paano mo nga ba ito ipapaliwanag sa mga anak mo tayong mga pilipino sasabihin natin sa mga anak natin anak paglaki mo magaral ka ng mabuti at pagkagraduate mo makahanap ka ng magandang kumpanya at makapag trabaho para kumita  ng pera, tama itong ganito pero dapat sana magtratrabaho ang anak natin sa sarili nilang negosyo hindi sa ibang kumpanya. 


Ganito naman ang mga karamihang chinese na sinasabi nila sa kanilang mga anak, kayong mga anak ko mag-aral kayong mabuti paglaki nyo at makatapos kayo ng pag aaral makapagsimula kayo ng sarili ninyong negosyo. Magandang klase itong prinsipyo sa buhay kung ating susundin at gagawin pagdating ng panahon ang mga anak natin ay hindi maghihirap dahil bata pa lang ay naturuan na sila kung papaano ang kanilang gagawin ang gumawa ng sarili nilang Asset. Sabi nga ng libro ni “Robert Kiyosaki” Ang Rich ‘Dad Poor Dad’. Nasa atin kung pano natin bibigyan ng magandang bukas ang sarili natin at ang mga anak natin dapat may alam ka sa Financial Literacy. Dapat maging rich tayo sa kaalaman hindi lang sa pera.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento