Translate

PAANO MAG INVEST SA MUTUAL FUND



Ang Mutual Fund ay isa sa pinakamagandang PASSIVE INCOME  sa balat ng lupa kahit natutulog ka anuman ang gawin mo sa buhay mo kahit busy ka sa isang ibang bagay kikita at kikita ka parin dito ang pera ang nagtratrabaho para sa inyo. Unang una bago ka magsimula maginvest dito kelangan mo muna malaman kung ano ba ang mutual fund bago ka maginvest dito alam mo dapat ang proseso nito ang mutual fund ay may ibat-ibang flavor din na pwede mong pagpilian pero kelangan mo maghintay ng buwan o taon dito.



Para makapagsimula ka maginvest dito kelangan mo muna malaman ito, Ito ay pinagsamasamang pera ng lahat ng investors na kinokolekta ng isang professional fund manager at siya mismo ang magpapasya kung saan niya ito ilalagak para kumita ang mga pera na ininvest ng mga investor. Para itong sasakyan sabihin nalang natin ang jeep lahat tayo sumasakay dito hindi lang tayo iisa na sumasakay dito marami tayo at may kanya-kanyang destinasyon na pupuntahan.



Pero iisa lang ang ating driver at siya mismo ang nagpapatakbo nito tayo ang mga pasahero o investor ipinabaubaya natin sa fund manager o driver ang pagpapatakbo ng sasakyan o ng market. Kung ikaw mismo ang driver ng isang sasakyan at hindi mo alam kung paano magdrive at hindi mo rin alam kung saan ka pupunta hindi mo naiintindihan ang ginagawa mo maaari kang mabangga o makabangga hindi ka makakarating sa destinasyon na pupuntahan mo kung hindi mo naiintindihan ang ginagawa mo. Itoy mabisang paraan sa mga baguhan sa Stock Market.



Sabihin nalang nating direct investor ka ikaw mismo bumili ng stocks at nagbebenta ka ng hindi pa naaayon sa market siguradong lugi ka may kaakibat itong pagkalugi risky ito. Kung ikaw ay baguhan o wala kang sasakyan pero gustu mo makarating sa destinasyon mo kelangan mo sumakay sa jeep at magbayad sa driver ganun din sa mutual fund ang driver  o fund manager ang magdedesisyon kung liliko sa kanan o kaliwa nasa iyo na kung gusto munang bumaba o huminto dito.



Pero mas maganda rin kung long term din ang gagawing mong pagiinvest dito karamihan sa mga kababayan natin namulat tayo ng ating mga magulang kung paano mag-ipon sa banko  hindi ito masama maganda itong paraan para matuto tayo magipon. Pero kung mamumulat tayo sa katotohanan ang pag-iinvest sa mutual fund ay napakalaking pagkakataon upang lumago ang ating pera ng malaking porsyento. Kung ilalagay mo ito sa banko magkano lang ang kikitain ng pera mo dito .25% 1%, 2% annually ilang taon pa ang bubunuin ng pera mo sa banko bago ito dumoble.



 Kung naglagay ka ng pera sa banko ilalagay din nila ito ng banko sa mutual fund para tumubo din ito ng malaki sila ang kumita hindi ikaw kung ilalagay mo lang ang pera mo sa banko, Sa mga ibang mayayaman na tao ginagawa lang nila nag-iiwan lang sila ng emergency fund  o ng sapat na pera sa banko in case na kailanganin nila, Pero sa totoo lang lahat ng pera nila ay nakalagay sa mutual fund dahil kumikita ng malaki ang pera nila dito dahil sa compounding interest.


Sa history ng pilipinas may mga banko na nagsara pero sa history ng mutual fund wala pang nagsasara isa itong dahilan kung bakit ang mayayaman lalong yumayaman sikreto ito ng mga bilyonaryo sa pilipinas. Ito ang power ng mutual fund kapag long term ang pagiinvest mo aabutin ito ng milyon dahil sa power ng Compounding Interest. Mahalaga ang may alam ka sa financial literacy kung maginvest ka sa mutual fund hayaan mo ang professional fund manager sa pera mo sya na ang bahala na magpalago nito kung wala ka idea sa direct stock market lehitimo ito. Ang kelangan mo nalang gawin matulog, maghintay na lumago ang pera mo napaka basic nito pero marami sa ating mga kababayan ang hindi nila alam ito. Kaya isinulat ko ito para makapagshare ng kahit kaunting nalalaman ko narito ang mga flavor ng mutual fund na pwede mong pagpilian para makapaginvest ka.                        



1.MONEY MARKET FUND


Kung gusto mo ng mabilisan na byahe ayaw mo ng longterm invest mo dito less risky ito pero maliit lang ang return of investment.


2.       BOND FUND


Kung gusto mo ng medyo matagal na mabilisan na byahe ng kaunti ito bagay sayo ipapahiram ang pera mo sa banko o anumang uri ng company medyo less risky din ito pero medyo malaki ang return of investment ng kaunti kesa sa money market fund.


3.       BALANCE FUND


Kung gusto mo naman ng medyo malakihang kita kesa sa bond fund at money market fund ito ang bagay sayo medyo risky ito ilalagak ang pera mo nito sa bond at stock medium term lang ito.


4.       EQUITY FUND

Ito ang magandang investment para sa mga long term investment 5years o 10years kung naiintindihan mo naman ang risk nito sigurado naman na kikita ka dito as long as na tuloy tuloy ang pagiinvest mo dito.


PHILEQUITY FUND INC.
PHILAM STRATEGIC GROWTH FUND INC.
PHILIPPINE STOCK INDEX FUND CORP.
METRO EQUITY FUND.
SUNLIFE PROSPERITY PHIL. EQUITY FUND INC.
FIRST METRO SAVE AND LEARN EQUITY FUND INC.
PHILEQUITY PSE INDEX FUND INC.
UNITED FUND INC.
ATR KIMENG EQUITY OPPORTUNITY FUND INC.



Ilan lamang ito sa mga kumpanya na mayroong mutual fund puntahan nyo lang ang kanilang mga website I click nyo lang ang kanilang contact us lalabas na ang email address nila numbers, office address o  kaya naman ay bisitahin ninyo ang kanilang opisina personal at magtanong kayo kung papaano ang inyong gagawin. Sana makatulong sainyo ang kaunting impormasyon na ito magsimula na tayo habang may panahon pa upang lumago an ating mga pera at makamtan natin ang financial freedom. Maganda kasi habang tumatagal ang pera mo sa mutual fund lumalaki ang pera mo dahil sa power ng Compounding Interest.

11 komento:

  1. Sir pwede bang maubos yung mutual fund ko?
    Pwede rin bang mag lagay ng extra 5k every month.
    At sir. Paano malalaman kung ang kompanyang sinalihan ng finance manager ko ay nalugi o lumago?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sir pwd bang maubos yung mf ko pwd rin bng mglagay ng extra 5k every month

      Burahin
  2. Magkano po ang minimum n dapat ilagay s mutual fund

    TumugonBurahin
  3. Every month kba nag huhulog or nag dadagdag sa ininvest mo sa mutual fund

    TumugonBurahin
  4. Minimum amt.na puede ilagay SA mf.?
    Puede din ba mag deposit monthly.?
    Paano ko makukuha Ang interest ko SA kanila?

    TumugonBurahin
  5. Magkano ang minimum investment sa mutual fund

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mag kano poh ang minimum NG monthly hulog sa equity funds

      Burahin
  6. Panu po mag invest jan gusto ko png mag invest

    TumugonBurahin
  7. paano po maginvest sa equity fund?

    TumugonBurahin
  8. Maliit na halaga Lang Ang Kaya ko invest maaprobahan po Kaya kung sakali.

    TumugonBurahin