Translate

PAANO MAG-INVEST SA STOCK MARKET



Ang pag iinvest sa Philippine Stock Market ay maituturing na isang PASSIVE INCOME hindi lamang ng bawat Pilipino pati narin ang mga investor na dayuhan. Kung wala kang kaalaman kung papaano maginvest dito mahalaga ang magtanong, magbasa at pwede rin mag hanap ng review sa google.com intindihin mo lang ang mga nakasaad dito at isang napakaepektibo na gagawin mo ay “action” kung maintindihan at maunawaan mo kumilos ka agad wag mu lamang intindihin at unawain samahan mo rin ng pagkilos DO IT NOW!





Kung sa una ay magkamali ka dahil isa kang baguhan pero nangyayari talaga ito pero dapat matuto ka sa mga pagkakamaling iyon huwag kang matakot maginvest sa Philippine Stock Market lehitimo ang pagiinvest dyan maraming yumayaman dito laging magisip ng positibo at isa pa mura lang naman ang pagiinvest dito 5,000 ay pwedeng pwede kana mag invest. Kung wala kang 5,000 mag ipon ka gumawa ka ng tamang paraan para makapagsimula ka mag-invest dito.





Pero sa panahon ngayon ang pag iinvest sa stock market ay hi-tect na rin kung dati rati kapag naginvest tayo o bibili tayo ng stock kelangan natin tumawag sa telepono. Ngayon  kapag magiinvest ka kelangan mo ng ONLINE TRADING BROKER ito ang direct investing pwede mo na mamonitor ang mga stocks  na nabili mo hindi muna kelangan tumawag o pumunta personal. Pwede ka bumili at magbenta ng stocks na gusto mo kahit saang lugar o bansa kapa pumunta basta mayroong internet at computer  mamomonitor mo ang pera  at stocks mo kahit matulog ka kikita kapa din basta alam mo ang gagawin mo.





Bibili ka lang ng stock na mura tapos ibebenta mo ng mahal tumubo kana halimbawa bumili ka ng stock ng JOLLIBEE (JFC) sa halagang 100 pesos per stock at pagkalipas ng isang linggo ang presyo nito ay naging 120 pesos per stock kapag ibinenta mo ito sa market kumita kana ng 20 pesos, Pero hindi ito ganun kadali ito ay risky lalo na sa mga kababayan natin na hindi nauunawaan ang takbo at basic nito pero kapag naiintindihan mo ito at mahilig ka magtanong, mag aral o magsuri pwede ka dito yumaman sa pagiging trader mo kahit nasa bahay ka lang kumikita ka at isa pa may oras ka sa pamilya mo hawak mo ang oras mo ikaw ang boss.



 Pagdating naman sa schedule ng Philippine Stock Market ay lunes hanggang biyernes lamang kung hindi ako nagkakamali ay pwede kang bumili at magbenta ng stocks  9am to 12pm at 1pm to 3pm. Maganda ang maging Direct investor pwede ka kumita ng malakihan pero pwede ka rin malugi ng malaki may kaakibat itong pagkalugi kung hindi ka marunong magcontrol sa sarili mo pero ang maganda dito kung marunong ka magpigil at gagawin mong diskarte bibili ka ng murang stock at ibenta mo kung ito ay tumaas kikita ka dito pero inuulit ko masyado itong risky sa mga hindi naiintindihan ang takbo ng market.



Naging business na ito ng iba nating kababayan na may kaalaman dito ang iba kahit hindi nakatapos ng pag aaral yumayaman dahil dito daig pa nila ang mga minimum wage o ang government employee natin sa bansa. Sa mga kababayan natin gusto mag invest sa Philippine Stock Market simulan na ninyo ang pagkakataon na ibinigay sa atin ng Dyos. Isa ito na maituturing na PASSIVE INCOME at isa pa na napakaimportante bago ka mag invest sa MARKET kelangan mayroon kang “TIN NUMBER” kelangan yan dahil obligado tayo magbayad ng TAX para dyan batas ito sa ating bansa kung wala kapa kumuha ka na pakadali lamang po kumuha nito o magparegister para magkaroon ka nito. Para naman sa iba nating kababayang OFW na gustong maginvest pero walang TIN NUMBER bisitahin nyo lamang ang website ng BIR http://www.bir.gov.ph/ meron silang kontak number at email address tutugon po sila sa mga katanungan nyo.



Narito ang ilan lamang sa  listahan ng website ONLINE STOCK BROKER sa pilipinas na maari nyo kontakin puntahan nyo lang o bisitahin kanilang website meron silang contact na nakalagay sa kanilang mga site kung kayo ay nasa labas ng pilipinas pwede pa rin kayo mag invest mag email o tumawag lang kayo at tutugon agad ang kanilang customer relation sa inyong mga katanungan at iguguide nila kayo.



. https://www.colfinancial.com
. https://www.bpitrade.com
. https://www.philstocks.ph
. https://www.firstmetrosec.com.ph
. https://www.rcbcsec.com


Isa lamang itong paraan upang kumita ka ng pera kahit natutulog ka maging Stock Trader ka pero hindi rin ito ang maipapayo ko sa ating mga kababayan nating baguhan mas maigi pa din mag invest ng long term. Ang Stock Trader ay para lamang sa may mga karanasan na at bihasa na pinag aralan maiigi kung papaano ang kanilang gagawing pakikipagtrade at sanay na silang malugi kung malugi nga naman mas makakabuti parin kung long term ang gagawin mo.





 Dapat ganito BUY, HOLD and SELL ganyan dapat ang pag iinvest sa Philippine Stock Market marunong ka din dapat dumiskarte huwag tira ng tira risky tlga ito kapag hindi ka nagdesisyon ng tama. Pero magiging matagumpay ka dyan at pwede ka yumaman kapag marunong ka magpigil at alam mo ang formula na nakasulat na sa itaas ang (BHS) (BUY, HOLD and SELL). Sana isa lamang ito na makaka tulong o maging gabay sainyo makapagsimula maginvest sa PHILIPPINE STOCK MARKET kelangan natin ito khit mawalan tayo ng trabaho pwede mo itong maging business sa mga taong may kakayahan at kaalaman kung papaano ito maging matagumpay na negosyo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento