Ito ay isinulat ko upang magbigay ng kahit kaunting kalaman
na kung papaano magkaroon ng tinatawag na PASSIVE INCOME ang bawat Pilipino
empleyado man sa gobyerno, studyante, artista, tindera, magsasaka, mangingisda
o kahit ano pa ang estado mo sa buhay. Itinuturo dito kung paano kumita gamit
ang iyong computer at internet as long as na may kaalaman ka kahit basic lang
sa computer ay pwede kana
kumita ng dolyar o pesos.
Marahil sa iba nating mga kababayang Pilipino ay hindi parin
nila alam kung papaano kumita gamit ang computer at internet lahat tayo ay
nagtratrabaho para kumita ng pera at may panggastos sa ating pang araw-araw na
buhay. Paano kung ang sikreto ng mayayaman ay malaman mo na ang pera ang
nagtratrabaho para sa kanila kung bakit sila lalong yumayaman at kung bakit
lalong humihirap ang mahihirap isa lang naman ang sagot ko dyan karamihan sa
atin ang dahilan ay KNOWLEDGE kulang ang iba nating kababayan sa kaalaman.
Financial literacy ay mahalaga sa atin kung may kaalaman ka
dito sigurado hindi ka maghihirap o magrereklamo bumaba man o tumaas ang
ekonomiya ng pilipinas. Ang Pinoy Work Tambay ay isinulat ko upang maging gabay
lamang o magbigay ng tips o kaalaman kung papaano makakagawa ng tinatawag na
PASSIVE INCOME at dalangin ko na isa ito sa makakatulong sa lahat ng mga kababayan
nating mga Pilipino na makakabasa nito.
Isa ako sa kulang sa Financial Literacy noon utang dito utang doon
pagkasahod gastos agad pambayad lang ng utang pag may sale bili agad. Pero sa
kabutihang palad ay nabuksan ang isip ko kung papaano nga ba tayo magkakaroon
ng asset o makapag ipon habang tayo ay may lakas pa o may kakayahan ang ating
katawan kung pano tayo magkakaroon ng
financial freedom kung sakali tayo’y nagretiro na sa pagtratrabaho kaya gusto
ko lamang ishare sainyo ang aking kaunting nalalaman about sa pagiinvest at
kung papaano tayo kikita gamit ang computer at internet.
Gaya nga ng sabi ni “MAYA ANGELOU” When you learn, teach, when you
get, give.”